_ September 27, 2011 5:37pm
Ito ay hango sa totoo)$++)+@@!|_%(^ang tambay...ng buhay at mga pangyayari habang sakay ng iba’t-ibang jeep byaheng Binangonan at Pasig, kasama ang mga backriders. Makikita mo sila sa iba’t-ibang pagkakataon, dahilan, at anyo… Oo anyo. Sila ang mga sumusunod: 11.03.’11 12:06 am Ordinaryong Backrider - Sila ang mga batang edad 13 hanggang 19 na nasa likuran lang ng jeep para makisabay ng walang bayad. Walang anu-ano ay bigla nalang bumababa ng wala ring pasabi. (Kilala na sila ng mga driver sa kilos at mga mukha nila) Soundtrippers - Nakasakay lang sila sa mga jeep na patok. Natural, para sa tugtog lang ng jeep. Handa silang magkandong-kandong kung marami sila para lang manatili sa loob ng jeep. Ages: 16-18, Gender: females, Main Purpose: Music, Other Purpose: Travel. Pajama Ladies - Signature look at moves: dekwatro / pajama pantulog / subong lollypop / naka-lipstick. Sila yung mga tipong nagsisigaw habang tumatakbo ang jeep kapag may nakitang kakilala. Handang hindi magbayad kung kinakailangan at kapos. Nagmamaasim pa kung mag-abot ng bayad kung may pambayad. Edad: naglalaro lang sa 17 hanggang 19 tasong gulang. May Pangangailangan - ito ang isa sa mukha ng backrider na nananatili sa lipunan para mabuhay. sila ang mga umaangkas kasabay ng pangangailangan sa buhay, pamilya at sarili. Edad: walang pinipili. Boy Kulangot - madalas, ito ay ang mga batang ayaw lang manatili sa mga bahay nila at gusto ng adventure. Minsan narin akong gaya nila, peo hindi sa kakulangutan, sa paggiging adventurous lang naman at willing naman akong magbayad dahl takot akong masigawan ng driver at kundoktor. Ang mga batang angkas ay nakakauwi din sa mga bahay nila sakay ang ibang sasakyan pauwi.
1 Comment
Ang mga images ay nahahati sa dalawang category. Ito ay ang vector graphics at rastered images. Ang paggamit ng dalawang ito sa tamang pagkakataon ay may malaking tulong para mapadali ang ano mang klase ng pagpi-print sa iba't-ibang uri ng mga printer ngayon.
Graphic artist ang pinaka-cool na trabaho sa mundo. Ikaw ang hari sa gagawin mong image. Kaya ikaw ang dahilan kung pangit ang magagawa mo. Paraan din ng pagpapakita ng mood ang bawat artwork na tatarabahuin mo kaya, cool talaga ang maging designer ng mga trabahong ilalabas sa public space. Sky is the limit. That is creativity. Prepress matters, lahat nakasalalay sa manipulator ng isang machine no matter how small or how large is the format. Human intervention really does the job. So as with having your personal camera, natutunan ko to sa professor ko in phorography, kailangang ang cmera ang sumunod sa gusto ng gumagamit, at hindi dapat nagpapagamit ang may-ari sa kamerang hawak nya. Ang capacity ng printer at knowledge ng operator nito ay may malaking ambag din para ma-attain ang gustong printing quality. Dahil kung tutuusin, lahat ng aspects ng printing and designing ay napag-aaralan. The key of it all, learning the principles of designing. Siguro ay alam mo na ang lahat ng software, pero kung hindi sapat ang pagkakaintindi mo sa structure ng isang design, tiyak sa iyo effective pero technically, you'll lose it. _ August 31, 2011 4:23pm
Ito ay obserbasyon lang naman at wala kayong dapat sisihin sa mga reaksyon na ‘to kundi ako. Wala kang kasalanan, sige ako na. Tambay ang tawag sa taong walang ginagawa sa buhay. Samakatuwid, walang tambay dahil ang ginagawa ang lahat ng tao para maging busy s’ya tulad ng paghinga, paglakad, takbo, pagpkit, at iba pang kaulad. Sa ganito natatapos ang usapan. Walang tambay… _dated: fews years ago
wla kbang npapansin? sa iyong mga kpaligiran? ang mhal ng bilihin, pti na mga bigas natin… Alam m ba npanuod sa tv last nyt? wla!!!!!!!!! la naman signal TV nmineh… La ksi kme pambili antena…. andami kya gastusin…alangan nmang unahin q si JUAQUIN BURDADO kesa sa kakaininnamen… Maslalu namn c kamndag noh!!! kanina nga bumili qng bigas…GINTU na pla tlga bgas ngaun? as in GOLDEN RICE na tlga xa…. pumasok tuluy sa isip q c JUAQUIN APASIBLE pti si VERGEL, sna tulungan nla taung magtanim ng palay… Hay nakohhhh…ipepaintingq nlang ang mga bigas…at ilalagay sa kusina namin… para hindi kme maubusan ng bigas… dba??????? sisiguraduhin qng DINURADO pra masarap. _ dated: fews years ago
Huh! Tingnan mo nga naamn oh. ‘Di ko talaga akalaing makakrating ako sa isang malupit na lugar na ‘to. Nasa taas lang naman ako ng isang malaking malaking bato sa taas ng bundok na andito sa Angono. Minsan lang din ‘to kaya sulitin na. Andame mong makikitang ilaw at kahit bulalakaw ‘di makakligtas. Kahit nga ang tinatago kong isipin walang kawala sa malikot at manyakis kong isip. Ayan at dahan-dahan kong nararamdamang basa na namn ang mga dulo ng mga daliri ko. Nabasa na naman sa tubig galing sa mapula kong mata-matahan. Umilaw bigla ang dala kong laruan at prop. Ayun at nakita kong ang dahilan ng pamumula ng mga daliri kosa kanan. Tumama lang naman sa balat ko ang matigas at matipunong pader na nagtuturo sa akin. Isipin mo ba namang mabadtrip sa taong ‘di mo dapat kabadtripan ‘di ba? ayan at andameng mga damo na nandadaya sa mga mata kong inaantok na naman na kahit oilitin kong matulog ay ang hirap gawin sa dami ba naman na kelangan kong tapusin at kelangan kong isipin. paalam.taym na. Tungkol sa gawang Bob Ong na Mga Kaibgan ni Mama Susan May 26, 2011 3:59pm
Natapos ko nang basahin ang kwento tungkol kay Galo at kay mama Susan. !*&#^#^&#^&#^#*#&#(@@!. ‘Wagmong bsahin ang ‘di mo mantindihan. Si Galo, sang ordinaryong batang estudyante ng kolehiyo sa ateneo sa taong 1998. Gaya ng maraming mahirap na mag-aaral sa kolehiyo, problemado. Saan pa, edi sa pera…Nkikitira lang siya sa tiyahin nyang si Auring. Kasama ng mga pinsan nyang tumatanda ng paurong, nauubos ang mga araw nyang buhay sa pagtingin sa mga kaepalan ng paligid nya,simula sa bahay hanggang sa skul. Mga routine nyang hindi normal sa isang teching tineydyer. Umuwi sya ng probinsya dahil sa lola nyang nabalitaang masama ang lagay. Pero ang totoo, umuwi syang may dalang nakakapraning na problema sa puso. Wala na kasi sila ng girlfriend nyang si Andrea. Emo ngaun si Galo. Ksabay nadin sa pagkapuno nya sa napakalupit nyang routine sa tinutuluyan nya. Namimiss nya na din siguro ang probinsya. Maayos syang nkarating sa direksyon nya, sa bahay ng kanyang lola. Marami nang nabago, ang lugar, ang mga tao, at ang mga bagay dito. Isa sa pagbabagong di nya akalain ang malamang hindi nanay ng nanay nya ang tinuturing nyang lola, si mama Susan. Sentro ng kapatiran sa isla, ang bahay na at pati na sya mismo. Kakaiiba ang paniniwala. Galit sa pagbabago, sa gobyerno, sa teknolohiya, at malamang sa malamang sa sibilisasyon. Hindi naman talaga masama ang naging pakay ng isla sa pagigigng makasarili, simula sa paghiwalay nila sa relihiyong katoliko at pagkakaroon ng sariling sistema pati ang paghiwalay sa medisina. Naburyo lang talga sila sa wang-wang na nakagawian ng paligid. Dito, hindi mahalaga ang orasan o ang alarm clock. Sa umaga, tumitilaok ang mga manok. At sa gabi humahalik sa lupa ang mga butiki. At may iba’t-ibang panaon sa bawat bagay, tag-araw at tag-ulan. Hindi na kailangang diktahan ng kalendayro ang mga araw. Ang teknolohiya, hindi kailang gamitin. Sa paraang ito, hindi ka rin magagamit nito. Ang buhay nga raw ng tao ay hind mapapadali kung magigigng balance ang lahat ng sa paligi nya simula sa pagkain hanggang sa mga reguar nyang gawain sa araw-araw. Ito ang panniwala dito. ‘Di na masama ‘diba? Sa dulo, parang nilamon sila ng mga paniniwala nila. Nagmuka tuloy slang masama sa buti na inisip nila para sa kakanilahan. Si Galo, napasakanila na… Ang kwento ay sa naiwang dayari no Galo para sa skul at nagging para sa asarili nalang at naging babasahin ko at mo. Nakarelate ako sa mga probema ni Galo. Lalu na pagdating sa pera. Hahahaha!. Ganung-ganun ko ituring pagnagpapalit na ng sem ang skul-yir. Magmamakaawa na naman ako sa registrar, kung hindi, sa cashier, at kung hindi ulit, sa directress… Malas lang. Ganun talaga, ‘di ka nag-iisa kung nakarelate ka rin dito (tyak close na kayo ng cashier). Tama yung mga litanya ni mama Susan tungkol sa tao pati sa mga Gawain nito. Speaking, si mama susan. Weird. Kung tutuusin, active yung mga ganong paniniwala.Kahit ung mga practices nla sa kapatiran may nakikta akong ganun. Siguru inabsorb o siguru naabsorb nalang nila un sa mga iba’t-ibang proseso at application ng paniniwala. Sa outfit palang nila hanep sa dating. Nung una nga ayokong maniwalang cripy ung kwento kc pamilyar ako sa mga gawain nila. Nagulat nalang ako kung panu tinapos yung kwento kasi tinayuan ako ng balahibo. Kala mo totoong dayaring naiwan ng taong ngayon ay prinuprosisyon na, (si Galo ang tinutukoy ko). Mabait si mama Susan pati ang mga kaibigan nya. Naging masama sila sa sistemang tama para sa kanila. Nalunod na sila sa hindi umuusad na kaunlaran. Puso ang pinaglalaban nila. Mapapatanong ka na nga lang, baliw ba sila? Siguro hindi… Pero may parteng oo. Isang katawan ang buhat pa sa sinapupunan ng kaguluhan sa naturingang lupang pangako ng perlas ng silangan. Ang pangalan ko ay Arcgel Baylon Hinggo. Sa Cotabato naahon ang sarili mula sa tubig ng kawalan.
Sa inunan ng Mua-an natuklas ang kaliwang kamay at doon, at noon din natapak ang mga labi sa lao ng magulang. At namatay ang ang araw sa itaas ng bermuda na binuburaot ng mga sundalo. At sa alon ng malaya papunta sa pier ng EDSA. Naglakad ang pag-asa sa bituin at nagsimulang tumubo ang mga damo sa lupa hanggang sa hindi ko na maunawaan ang Noli at El Fili. At ngayon, sa nuno sinubukang makipaglaro sa pintura habang nakasawsaw ang string ng gitara sa laway ng tutubi na lumilipad sa ulo ng apo ni lolo Pilo. 9/3/’08 |
|