Since last year, Aladdin offers the cheapest-in-town business cards using premium papers and high quality printing output. With the HP Indigo 5000 full color printing, get satisfied with the selection of paper stocks available. Office located at #488 A. Mabini, Manggahan Pasig City, you can drop-by to see actual printing and proof.
The website www.aladdinprintphil.com provides direct quotation and pricing. It also caters business card designs depicting different line of businesses. Corporate accounts for big clients inside the website are accessible through their company usernames and passwords to easily place orders online. To see more from Aladdin, please visit the website and like their facebook page, its aladdinprintphil.com. Hu Keyrs 2011 - on its 3rd Year January 8, 2012 Sunday Sitio Labahan, San Isidro, Angono Rizal Photos By Jobs Luberisco & Johnrico Equiron Alas-tres ng madaling araw, group message, Hu Keyrs, Follow-up para sa lakad papuntang Angono. Sa Suha St. ng Dilang 1, binaba ang mga bagahe.kumain, nagpahingang konte. At pagpatak ng alas-8 ng umaga, larga narin. 8 mins. na tricycle papuntang Taytay Bagong Palenke. 15 mins. ulit na jeep papuntang plaza ng Angono. At nabuo na ang team, Si Jobs, Loida, Ton-ton, John-john, at ako (arcgel).
Hindi nakikisama ang panahon, o talagang para sa amin ang lakad. Bountiful na lakad. Maulan. Binasa kami ng mga paunang patak ng langit. Hindi kami kinulang ng mga taong nakapaligid. Nangunguna na si Manong *Alberto kung di ako nagkakamali. Sa tulog n'ya narating namin ang istasyon ng pulis ng Angono. May sasakyan, pero wala pang driver, may sasakyang itutulak. Kaunting interogasyon sa concern nating Capt. Cabadiong gn Angono Police Dept., Isang tawag para sa kapitan ng San Isidro. Sa tulong ni kap, nakilala namin si Clutario, ang presidente ng Sitio Labahan. Maingat kaming nadala kasama si Sir Richie - PO1 Richie kung di ako nagkakamali.:) Masuwerte kami nung araw na 'yon. sapat lang ang ulan para ibuhos sa amin. Maulan kaming umalis ng istasyon at maulan rin kaming nakarating sa distinasyon. Sumalubong agad sa amin ang mag-asawang akomodeyting na sina nanay Daisy at ng asawa nya na siyang presidente ng lugar. Sakto lang ang dating namin. Kung pakiramdam ay parang o medyo huli, hindi. tyempo lang ang pagkakataon. Ang mga experience sa putikan at mabilis na tubig. Ito ang kapalit at sagot sa tanong na "Ano nga bang mapapala sa gagawin namin?". At nangyari ang mga gusto at dapat na mangyari nung umagang 'yon. Umpisa na ng mga akyatan. Ang paghahanap sa camp ay bagong usapan. Hindi kami naligaw. Dinala kami ng mga paa namin, at ng pagkakataon sa daanan papunta kina Tolits, siya ang supply ng tubig. At ang daan para payagan kaming makadaan. naitayo ang tent sa ibabaw ng mga batong itim. Matulis at mamasamasa. Madamo ang tuktok. Masarap matulog. Pero bago 'yon. kumain na kami. isang mainit at maanghang na pagkain kapalit ng lamig at basang panahon. Nakakaantok. Basang likod ang shinare sa amin ng lugar. At pagkatapos nito? Isang foggy schene ang dinatnan namin paggising. Ola! Sa susunod na akayat, sana kasama ka. Magtago ka lang ng magtago.Lumipad ka lang nang lumipad.
Magpahabol ka lang nang magpahabol. May araw ka rin. Ang mga inupahan mong tagapagtanggol, nauutal. Sumagot ba naman na para bang bayani ka. Na para bang ang nangyari ay para ibalik ang ginawa sa mga tauhan mo. Kahit sino ay pwedeng mawala, nawala na parang bula, lumipad at ngayon pati ikaw ay nawawala. Dated: 1.1.12
Game: Monopoly Players: Arcgel and friends Remarks: Panalo ako! Description: Design para sa isang portabol at modular na higaan / cabinet / opisina, atbp.
Inspired sa isang katulad dn na design pero binagay ko lang sa lifestyle na meron ako. Isang buwan ko 'tong bubuuin. Kelangan kasi ng pera, oras, atbp. Eh wala naman talaga.
Sinunog mo lang naman ang pera mo nung kasagsagan ng putukan. Oo nga paki ko nga naman dahil pera mo naman ang ibinili mo doon. Paki ko talga dahil ang usok na ginawa mo ay nakarating sa mga butas ng ilong ko. Siguro malayo kayo sakin noon, Pero dahil marami kayo, nagsama-sama ang mga usok na ginawa nyo at maraming ilong ang binarahan nyo. Kinunsinti mo ang paggawa ng papautok na luho at minana lang naman natin. Nakikigaya sa tradisyon dala ng takot na saluhin mo ang lahat ng kamalasan ng wala ang mga pulbura sa pagpapalit ng taon. Isa ako sa mga tumalon, nakitorotot, nakisigaw. Dahil masaya ang lahat. At hindi dahil takot akong hindi tumangkad, pasukin ng mga demonyo ang bahay namin, abutin ng kamalasan buong taon ang buhay ko. Dahil wala naman talaga akong mapapala sa paputok, may natipid ako sa pagsalubong ng bagong taon na ilang libong piso para sa paputok. Hindi ako nakadagdag sa polusyon sa hangin at tenga at lipunan. Sana bumalik sa mga nagpaputok ng baril ang mga balang nailigaw at nandamay. At dahil sa hindi ka mapigilan lumabas ng bahay para gumala at makiusyoso,ayan ang napala mo. 2012 na. Description: Sticker Requirement for Vehicle Advertisement
Size: 2.5"x5.5" Quantity: Unlimited Dated: December 2011 "A campaign against cigarette smoking / for environmental awareness / and life preservation." |
|