Hu Keyrs 2011 - on its 3rd Year January 8, 2012 Sunday Sitio Labahan, San Isidro, Angono Rizal Photos By Jobs Luberisco & Johnrico Equiron Alas-tres ng madaling araw, group message, Hu Keyrs, Follow-up para sa lakad papuntang Angono. Sa Suha St. ng Dilang 1, binaba ang mga bagahe.kumain, nagpahingang konte. At pagpatak ng alas-8 ng umaga, larga narin. 8 mins. na tricycle papuntang Taytay Bagong Palenke. 15 mins. ulit na jeep papuntang plaza ng Angono. At nabuo na ang team, Si Jobs, Loida, Ton-ton, John-john, at ako (arcgel).
Hindi nakikisama ang panahon, o talagang para sa amin ang lakad. Bountiful na lakad. Maulan. Binasa kami ng mga paunang patak ng langit. Hindi kami kinulang ng mga taong nakapaligid. Nangunguna na si Manong *Alberto kung di ako nagkakamali. Sa tulog n'ya narating namin ang istasyon ng pulis ng Angono. May sasakyan, pero wala pang driver, may sasakyang itutulak. Kaunting interogasyon sa concern nating Capt. Cabadiong gn Angono Police Dept., Isang tawag para sa kapitan ng San Isidro. Sa tulong ni kap, nakilala namin si Clutario, ang presidente ng Sitio Labahan. Maingat kaming nadala kasama si Sir Richie - PO1 Richie kung di ako nagkakamali.:) Masuwerte kami nung araw na 'yon. sapat lang ang ulan para ibuhos sa amin. Maulan kaming umalis ng istasyon at maulan rin kaming nakarating sa distinasyon. Sumalubong agad sa amin ang mag-asawang akomodeyting na sina nanay Daisy at ng asawa nya na siyang presidente ng lugar. Sakto lang ang dating namin. Kung pakiramdam ay parang o medyo huli, hindi. tyempo lang ang pagkakataon. Ang mga experience sa putikan at mabilis na tubig. Ito ang kapalit at sagot sa tanong na "Ano nga bang mapapala sa gagawin namin?". At nangyari ang mga gusto at dapat na mangyari nung umagang 'yon. Umpisa na ng mga akyatan. Ang paghahanap sa camp ay bagong usapan. Hindi kami naligaw. Dinala kami ng mga paa namin, at ng pagkakataon sa daanan papunta kina Tolits, siya ang supply ng tubig. At ang daan para payagan kaming makadaan. naitayo ang tent sa ibabaw ng mga batong itim. Matulis at mamasamasa. Madamo ang tuktok. Masarap matulog. Pero bago 'yon. kumain na kami. isang mainit at maanghang na pagkain kapalit ng lamig at basang panahon. Nakakaantok. Basang likod ang shinare sa amin ng lugar. At pagkatapos nito? Isang foggy schene ang dinatnan namin paggising. Ola! Sa susunod na akayat, sana kasama ka.
1 Comment
JRE
1/9/2012 12:09:42 am
super like,... hehehe,.. until nextime,...
Reply
Leave a Reply. |
|